Friday, November 25, 2005

Ano nga ba ang TOTOO?

"Tatanggalin ko na itong mga masking tape para hindi ko na kayo maalala pa..."

Iyan ang isinabi ng aming taga-asikaso na nangangangalang Ricardo Fajardo. Hindi ko maitatangging nakakasakit ang kanyang mga isinabi dahil kami'y natalo sa isang palaruan na tinawag niyang "Game of life". Ang laro ay may napakaraming patakaran na dapat sundin at hindi namin nasundan ang lahat ng iyon. Bigo ang naging resulta. Lahat ay nagulat sa nakasimangot na mukha ni Sir Fajardo. Kailangan ba talagang manalo? Gaano ba kahalaga ang isang larong tulad niyan?

Game of Life
Balikan natin muna ang nangyari sa nakaraan. Kami ay nasa kabilang dulo ng kwarto. Ayon sa patakaran, bawal humawak sa pader, at mag-ingay. May mga parisukat na makikita sa sahig na siyang magiging pantawid ng mga tao. Ang mga parisukat na ito ay may presyon kaya sa bawat pagtapak na nagawa ay dapat may mabilis na kapalit. Ang layunin ay makatawid sa kabilang dulo ng silid. Ang sinumang hindi nakatapak ng mabuti ay magiging mga patay na tao. Sila ay pupunta sa libingan at bubuhatin ng mga buhay sa pagtatawid. May oras na nakatakda at maaring sumabog ang kinatatayuan namin. Marami ang hindi nakasunod kaya paulit-ulit ang pagtawid. May nag-ingay at naubos ang oras. Natalo nga kami.

Huminto ang paggalaw ng lahat ng tao. Sinimulan ni Sir Fajardo ang pagtatalakay kung bakit nga ba hindi kami nagtagumpay. Kung siya ay makumbinse man sa mga dahilan na aming ibabanggit, bibigyan daw niya kami ng isa pang pagkakataon na maglaro muli. Kaya nagsilabasan ang lahat ng mga butas- mga pagkakamali na nagawa. Walang kooperasyon na nakita sa mga tao; walang nakinig sa iba na siya na ngang may solusyon para magtagumpay.

Nakumbinse nga si Sir Fajardo. Nakalaro kami ulit. Ibinago ang lahat ng plano at nakinig na ang mga tao. Ngunit bigo pa rin ang naging resulta. Hindi nakayanan ng iba na tumawa ng malakas sapagkat kung ako ang nasa lagay nila ay matatawa rin ako. Napakahirap ikarga ang mga tao para itawid sa kabilang dulo ng kwarto. Ang mga taong ito ay kinakarga dahil ayon sa laro, hindi sila pwedeng maglakad. Sila raw ay mga patay na at ikakaraga lang sila ng mga buhay pa para maitawid sa ligtas na lugar. Paulit-ulit ang pagkahulog ng ilan at pagkarga. Naubos ang oras at natalo ulit kami.

Ang Sampung Papel
Iyan nga ang naging resulta. Napaupo na lang kami at nakinig kay Sir Fajardo na ngayo'y nawalan na ng gana magturo. Ayaw na raw niya sana magturo ngunit kawawa raw kami dahil nagbayad kami sa paaralan. May pinasagutan sa amin. Maya-maya ay binigyan din kami ng sampung pirasong papel bawat tao. Ang sampung papel na ito ay aming ibibigay sa kahit sinong tao sa loob ng silid. Matapos ang bigayan, lahat ay nakatanggap ng papel pati na si Sir Fajardo. Ngunit ikinalulungkot ni Sir ang nangyari. Isa lamang ang kanyang natanggap. Naisip ko na lamang na kung gusto niya pala ng mga papel na ito, bakit hindi niya sinabi ng mas maaga pa? Ibinigay ko lamang ang sampung papel sa kahit sinong tao na makasalubong ko sa silid. Hindi na iyon umabot pa sa kanya at malay ba ng nakararami kung kasali pala siya? 

Ang Taga-asikaso
Nakakainis ang lahat ng kanyang mga isinabi. Nalungkot din ako dahil hindi naman ibig sabihin niyon ay wala na akong pakialam sa ibang tao. Kulang ang mga papel para mabigyan ang lahat ng tao at siguro totoo nga na ang unang maiisip ng tao ay ang mga naging malapit na sa kanya. Sino nga ba si Sir? Totoo ba ang lahat ng ito? Ganito ba talaga?

Laking gulat ko na lamang nang ituloy ni Sir ang kanyang isinabi kanina: "Tatanggalin ko na itong mga masking tape para hindi ko na kayo maalala pa na naging talunan." Ayaw niyang maalala na natalo kami at hindi iyon dahil sa galit siya sa amin. Hindi nga siya galit at napakagaling lang niya siguro magpanggap. Hindi ko na tuloy alam kung paniniwalaan ko pa siya.

Hindi ko talaga napansin iyon. Nakakainis na pero joke lang pala ang lahat. -_- Paminsan iba talaga ang ipinapakita sa kung ano ang nasa loob. Naalala ko na lamang ang isinabi ng mga pilosopo sa nakaraan. Ang nakikita natin ay hindi nangangahulugang totoo. Hai...Tama nga sina Descartes at Plato.

No comments: