Sunday, March 05, 2006

Ang Pagbalik ng Aking Lola

Patay na nga talaga. Ano na kaya ang iisipin ni lola kapag nakita niyang bodega na ngayon ang kanyang kwarto? Hai...hirap isipin..baka may isang bulkan na biglang sumabog.

Nung paalis pa lamang si Lola nung nakaraang dalawang taon, masasabi na malinis at maayos pa ang kwartong ito. Mabango, maganda, at komportable ang mga higaan. Wala masyadong alikabok na makikitang lumilipad sa tabi-tabi at wala masyadong mga insekto na makikitang lumilipad at nanggugulo sa paligid.

Ngunit, di nagtagal, unti-unting nawala rin ang lahat ng katangian nito. Ang dahilan: sinimulan kasi naming magkakapatid na paglagyan ng iba't ibang gamit ang silid. Basta't maging maluwag lamang ang sa amin ay sige sige lang; idagdag ng idagdag ang mga papel at kagamitan na hindi kailangan hangga't maging tambak ang buong kwarto. Oo na, ganyan kami kasama. Ay, sakit talaga sa ulo. Ngayon nama'y lagot na kaming lahat.

Mabuti na lamang ay naglinis si inay kahapon at kaninang madaling araw. Nakakahiya nga na wala man lamang akong naitulong maliban sa pagpalit ng mga pantakip ng kutson at unan. May eksaminasyon kasi bukas at ngayon lang ako natapos sa pag-aaral. Malapit na ring dumating si lola > ngayong gabi kamo. Maayos na naman ang lahat kaya hindi niya malalaman kung gaano kagulo ang kwarto niya nung nasa America pa siya. Hehe..ang mga anghel niyang apo kasi e.. ;p